My First Story Online

My Photo
Name: solid/screamer/
Location: Manila (Business toh!), Canada Goose, Philippines

its cool to be a strange, and different...

Monday, March 16, 2009

AUTHOR 14

Tapos na ang meeting at hinabol nya ang secretary,hindi ka na makakaligtas sa akin "Pwede ba kitang ma-interview?"Kaya mo bang hulaan kung saan galing yung lahi ng mga insektong mayroong lason sa katawan?Alam mo rin ba kung saan pa pwedeng tumira ang mga tao?Gusto mo bang maglaro ng malaya at sumayaw sa kasikatan na taglay ng araw?Meroong nag-tatago sa iyong likuran,gagawin mo rin ba yung ginawa nila?Kaya mo bang ibigay sa akin ang tamang sagot?Parang alam ko na rin kung ano yung mangyayari sa iba!Nararamdaman ko din kapag meroong mangyayaring masama at parang humihingi sila ng tulong sa akin!Kailangan ko pa bang magbilang ng edad?Ilang beses na rin akong bumisita dito,di ba pamilyar yung mga mukha nila?Alam ko na rin yung papel nila dito!Huwag kang magugulat sa mga hindi mo inaasahang pangyayari! "Mula sa ating mga ilusyon,meroon tayong hinahanap,hindi sa katotohanan pero sa pamamagitan ng mga imahe na inilagay natin sa kanilang lugar"Dark Sentence-kailangan buksan ko ang mga pananaw ko para maka-intindi ng madidilim na salita "Ito ang pag-ukit ng wika ng iyong tadhana..."hindi ko pa rin maintindihan ang mga pahiwatig na ito,kailangan nating maintindihan kung saan nga ba talaga tayo nagkamali!Ano ba kasi ang pinagmulan nito!?Hindi ko alam kung ano pa yung silbi non,intindihin mo ng mabuti yung problema kapag tayo ay nasa loob na ng sitwasyon!Wala tayong dapat tawanan,ayokong magsinungaling sa kapngyarihan ng isa,nung nagpa print sya baliktad ang mga letra dito!Meron lang akong naiwan dito!Meroong isang lalake at ito ay may kahina-hinalang dalang plastic bag,ano kaya ang nasa loob nito?Ang mundo natin ay punong puno ng misteryo pinapatakbo nga ba ito sa pamamagitan ng ating mga salita?Hindi mo napapansin ang mga ligaw na kaluluwa at ang mga hindi makitang elemento na ito,kapag ginamit na nila ang mga kapangyarihan nila,kahit kaluluwa mo at katawan ay mapupulbos kahit isang bakas ay hindi na pwedeng makita,patay sindi ang mga ilaw at malinis din ang pagkakagawa dito,sila din ang mauuna at mahuhuli,parang bilang na yung mga araw eto na siguro yung katapusan "Nung nagsalita sila at minaliit ang mga bagay na ito noong una nawalan na ito ng halaga at parang unti-unti na nila itong nakukuha para ito ay tuluyan nang mawala sayo!Wala na rin itong kwenta para mapa sa kamay mo pa...!" Hindi mo rin kailangan ipahawak ang buhay mo sa iba para 'to maging tama kasi kapag napa sa iyo yung pinaka importanteng bagay alam mo kung sino talaga yung may karapatan dito!Hindi rin yon ang dapt mangyari kasi hindi gaganda yung buhay natin,hindi rin sya pantay sa mata ng mga tao,ikaw lang din yung makakaramdam at dadanas nang tunay na sakit,lahat ng gusto nyang mangyari ay nagkakatotoo,isinusulat nya lang ito at parang hindi na ako magigising sa aking masamang panaginip,pwede mo bang bigyan ng linaw kung paano sya nabuhay uli?Gusto lang kita tabihan sa pag-tulog mo...Isuot mo yung ID mo para kapag nawala ka may ipapakita ka at matutulungan ka nila,para kasing meroong gustong kumuha sakin.Nakita mo na ba yung hinahanap mo?Sa pusod ng dagat "Hindi ako mananatili sa alon,aahon din ako!"Kailangan lahat din ay maging malinis,sinimulan lang nilang sabayan ang pag-gabay mula sa kadiliman,sobrang dami nyo na pala dyan,kailangan ko pa ba kayong bilangin?Hindi lang nakakamatay ang hindi sinasadyang aksidente na ito!Nung nagsalita sya,nagkaroon ng mga tao at tubig sa ibabaw ng langit,wag mong mamaliitin ang tao na ito,sa tingin mo magkakaroon pa ko ng gana para mag-alay ng salita dito?Wala na ring pag-asa para ipagpatuloy pa ang mga pangarap na ito!Meroong mga piling tao ang sumali sa organisasyon na ito,natupad lahat ng kanilang ninanais ngunit namatay din silang lahat "Ako yung tatapos ng salita sa serbisyo na ito!"Lahat kayo mapapahiya kapag kumampi kayo sa kasamaan...Ito ang kaso ng iyong panulat,ilang beses na rin syang nagpadala ng haunted entry dito at hindi nila binuksan ang iba,sinuotan nya ng damit ang kamatayan at sinundan nila ang tamang linya basta piliin mo lang at antayin ang tamang panahon...

Wednesday, January 14, 2009

AUTHOR 13

Ang pinaka malakas na tagapagsalita,ang pinaka makapangyarihang boses,dadating sya nang una dito at kami ay maghihintay sayo...gusto lang kita turuan sa bawat araw sa buhay mo,ginagawa mo ito sa pang-araw araw na buhay mo bakit hindi mo pa ito mahulaan pagkatapos ng trabaho nito nagpalit sya ng damit,gusto rin ng mga elemento na ito na gayahin ang anyo ng tao,parang gusto din nilang mabuhay katulad natin,nabasa nya ang quotes na ito sa isang libro "Balasahin mo ang magagandang alaala na ito meroong mas hihigit pa sa isang koneksyon kapag dumating ang maling tao na iyon,kalahati lang ang dadaanan nito at kailangan nyang sabihin na siguro hindi ito yon."Kinabukasan dumating na ang kanilang exam at pagkatapos ay pina-Xerox nya ang kanyang birth certificate,kailan ba talaga ako pinanganak?Sa susunod na araw ay kaarawan ng aking pinsan at meron syang representasyon dito,nagkakasiyahan sila noong gabi na iyon kaso nga lang pirata ang mga pinatugtog nito...noong sumunod na araw binigyan sya ng advice ng kanyang mga magulang "Malapit nang maging iba ang apelyido nito."Marami syang ginawa at naayos nya ang lahat ng mga ito,gumawa rin sya ng assignment at mahabang thesis "Ito ang araw ng mga bulag sinusubukan nilang hawakan at alamin bawat bagay sa paligid nila."Natatandaan mo pa ba noong mga araw na iyon?Halos ayoko nang ipakita ang kalahati ng mukha ko!Ikinahihiya mo ba ako?Alam mo ba ang katangian na wala sila na meroon ako?Hindi ko lang alam kung saan pero nakita ko ang uri ng mga tao na ito at inagaw sa kanila ang pag-aari nila naramdaman ko din ang kagandahan ng ating buhay mula sa kaniya...pagkatapos nyang basahin kalahati ng mga sumpa ng mga namatay sa kwento ay nagkaroon ng kalawang ang buo nitong katawan "Wala akong panahon para makipag-laro sa mga multo ninyo!"Ano ba kasi yung gusto nilang malaman tungkol sayo,hindi namin alam kung saan pa mapupunta 'to!Nasira na rin yung mga nagdaang araw na 'to at buwan para sakin,ano ba talaga ang mangyayari kapag nawala ang mga ilaw?Ilang gabi na rin akong gising para bantayan ang mga magnanakaw pero madilim din ang uuwian ng mga tagapag-bantay,kailangan ko ng mabuti at malinis na salita para hindi ka ayawan ng mga mahinang tao,hindi na natin kailangang itago ang ating katauhan bakit ba sila nawala at karapat dapat ba silang magtagal sa kwento na ito?Pagkatapos nilang ipikit ang kanilang mga mata at agawin sa kanila ang hangin at ang kanilang buhay ay parang nagkakaroon sila ng ibang klasing katangian at kapangyarihan,meroon talagang nag-utos sa kanila para ibuhos ang mga trahedya sa mundo,"Hindi mo alam kung ilang dugo na yung inalay ko mas marami pa ata yon sa mga sinabi ko" sa kabilang banda sagrado ang mga sulat na ito!Hindi mo rin alam kung gaano kadaming karma ang dadapo sa iyo,hindi ko rin alam kung gaano kadaming sumpa ang maisusulat ko,pahihirapan ko talaga kayo sa pag-lutas ng mga misteryong nababalot dito!Maghintay ka lang kapag namatay ang ilaw ibang buhay uli ang makakamtan natin,kahit ikaw mismo yung mag-sulat kailangan mo ng gabay para malaman ng husto kung ano talaga yung tama at mali o kahit ano pa man pinanindigan mo yung paniniwala mo!Kasi ikaw lang yung pwedeng mag-sabi non!Huwag ka nang umiyak sa mga ka awa awang bagay na ito,alam ko ginawa mo din yon kung pwede ko lang ibalik ang mga kasalanan ko,wag mong tawanan ang mga uri ng tao na ito kawawa ka lang din kapag nalaman mo ang katotohanan,alam ko ligtas ako sa paroroonan ko,seryoso ang mga bagay na ito,linisin mo ang kaluluwa ko kapag nawala ang katawan ko,alam mo ba talaga ang tunay na katumbas nito sa buong kalawakan?kaya mo bang pagandahin ang buhay mo?Paano mo ba masasabing mababango ang bulaklak sa kapaligiran mo?Meroon talaga akong kailangang gawin sayo,hindi talaga patas yung laban kasi alam mo na maraming masisira kasi hindi madaling mabuhay kailangan perpekto pa rin yung imahe na ito,hindi natin kailangang bumangon sa libingan natin sa tingin mo ano ba talaga tayong lahat?Hindi ba ba para tayong mga sagradong ilaw?Kung pag-aaksayahan ko ang mga oras na ito,pagluksaan man yan o tawanan ay mawawala din sila,hindi na sila pwedeng kumapit sa lupa,mahina kasi yung pundasyon nila,hindi rin maganda yung gawain na yan "Huwag ka magtaka kapag nawala sayo ito alam mo na hindi talaga sayo ang kayamanan na 'to at parang hindi natin napupuna na nana-nakawan na pala tayo!"Bakit ba kailangang mangyari yon?Wala din namang pinag-kaiba...kailangan pag-aralan mo ng mabuti ang mga salita na ito...

Wednesday, January 07, 2009

AUTHOR 12

Hindi tayo bulag,alam natin ang katotohanan!Hindi ko alam kung saan ako nagkamali o naghahanap lang ako ng liwanag sa dilim parang ayoko nang gumalaw kasi alam ko pagsisisihan ko ang mga bagay na yon...lahat ng grasya na kailangan ko,ang kapangyarihan ko ay gumagana ng mabuti sa kasaysayan ng kwento na ito at sa kahinaan ko kaya ngayon masaya ako para magyabang tungkol sa aking pagkukulang kaya ang kapangyarihan nya ay magiging sa akin lahat ng pag-aari nya ay aking susubukan,isa lang ang malinaw at sigurado kailangan mong matuto at mabuhay sa kamalian at sa kamalayang ito,lahat tayo ay meroong kahinaan at lahat tayo ay nagkakamali at ito ay dumarami at hindi natin to pwedeng pigilan kahit pa ikaw yung pinakamalakas na tao dumidepende pa rin ito kung paano tayo nagkakamali pero kung paano ka makakaganti sa kasamaan,ang magandang halimbawa dito ay ang mga una pang tumira at nabuhay sa mundong ito,lahat sila ay pinarusahan at isinumpa ng lumikha sa atin,hindi rin nila inaasahan na uulan ng malakas at babaha,pinigilan din silang pumatay at magnakaw pero hindi natin kailangang subukang sisihin ang bawat isa,kailangan na lang din nating aminin ang ating mga pagkakamali at hanapin ang pag-bibigayan at pangunawa,kailangan din nating matutunan at tanggapin ng buong puso ang kahinaan ng bawat isa at ang pagkakamali na gumabay at tumatakbo sa ating buhay,lahat ng tao na inamin ang kanilang pagkakamali ay matututunang mahalin bawat bagay at makakamtan nila ang pinakamagandang bagay sa buong mundo,kapag ang mga taong ito ay tumawag sa aking pangalan;magpapakumbaba sila at hahanapin nila ang aking mukha at hindi na sila kailangan pang bumalik sa masamang gawain at masamang bagay,mula sa itaas pakikinggan ko kayo at pagbibigyan ko ang kanilang kasalanan at pagagandahin ko ang kanilang lupa,buhay at langit sa pamamagitan ng aking kapangyarihan at hindi na ito mawawala pa sa kanila,ang pagsusulat ng mahabang salita ay parang isang tula at dasal at kailangan mong aminin ang iyong pagkakamali para ka niya pagbigyan sa iyong mga kasalanan,ang kasalanan ay ang naghihiwalay sayo mula sa makapangyarihang lumikha sa atin,ito ang nagsisilbing palatandaan para sa iyong mga ninanais para ibalik ang relasyon mo sa kanya,kapag ginawa mo ang bagay na 'to at ipinagdasal mo ang iyong mga kasalanan,sumasang-ayon ka na meroong mali at meroong kulang sa buhay mo para lahat ito ay iyong itama at magawan ng mabuting paraan...
Hindi ko alam kung ano yung kahulugan at kabaliktaran ng mga pangyayari na 'to para sakin!Ito ay nangangahulugan na ito ay iba pang uri nang libro,isinulat nya ang kanyang mga ideya at ipinaliwanag nya ang kanyang kwento pagkatapos ipinadala nya ito sa "Isang bahay na isang tao lamang ang nakatira,tatlo ang address na inilagay nya pero sa isang bahay lang naman ito,pagkatapos nito namatay ang matalik na kaibigan nito at ang mga malapit pa na karelasyon nya,lahat sila ay nagulat sa balita na ito,pagkatapos ipinaayos nya ang kanyang passport at sya ay pumunta ng ibang bansa para manahimik,isinarado nya ang kanyang libro at kwento tungkol sa mga bumubuo ng pangyayari,kailangan ba naming agawin yung pag-aari nya?Kailangan ba naming isagawa ng kusa at amining totoo lahat?Ipinagpalit na ba tayo ng lumikha sa atin?At minahal nya na ang lupa at mundo ng iba?Isang babae ang lumabas ng Mall pagkatapos mag-shopping ng mga bagay na gusto nya meroong nag-text sa kanya at niyaya sya nitong manood ng concert pagkatapos sumakay sila sa kotse at sila ay nagtalo at nagaway sa loob nito "Nagpapasalamat ako sayo dahil dito nalaman ko kung sino yung mga kumuha sa kapatid ko na hanggang ngayon ay nawawala pa rin at nagpapasalamat ako sa mga magagandang tagpo at pangyayari na ito,ito na rin siguro yung gusto nilang mangyari,pinagaralan ko din ang mga sitwasyon na 'to at isinulat ko ito sa aking journal pero parang iba pa rin yung tumatakbong istorya dahil dito hawak mo pa rin yung buhay ko"pagkatapos nito bumaba na sila at ibinigay na nila ang tickette at sila ay nanood na ng "Concert" isa lang din ang sinisigaw ng mga tao dito at pare-pareho sila ng pinag-mulan,wala rin namang iba sa lugar na yon,wala rin naman tayong iba pang magagawa,kailangan maging masaya tayo kahit papaano bawat oras bawat araw "Huwag mong hayaang takpan nila ang mukha mo at lamunin ka na lang bigla ng dilim!"pagkatapos nito meroon silang nakilalang tao,medyo misteryoso ang mga sinasabi nito at sila ay naimibitahan sa bahay nito,gabi pa rin at at ipinakita nya ang kanyang kakaibang tirahan "Anino lang ito at ito ay lumulutang sa lapad ng pader..."pagkatapos pumasok na sila sa loob nito,meroong mga nakakalasong usok ng kemikal sa loob nito,sya rin ay nakapag-aral tungkol sa medisina pero pinarushan ang kanyang kanang kamay noong sya ay magkamali sa pagsabi nito "Standby ka lang!Alam mo ikaw yung kinakailangan ko kapag meroong emergency sa buong lugar na 'to"Hindi nya binuksan ang radyo,hindi rin sila nito pinakain,binigyan lang sila nito ng tubig pagkatapos naamoy nila ang mabangong uri ng bulaklak na ito,alam nyo ba kung kailan?Alam nyo ba kung sino?Alam nyo ba kung saan?Pagkatapos binuksan nya ang malaking TV sa loob ng bahay na 'to,akala nila kung ano ito pagkatapos ipinaliwanag nya rin ito "Isa itong Crosswords"marami ditong tanong pero hindi ko pa nasasagutan ang palaisipan na kasabay sa apat na tanong sa kwento na ito;ito yung salita na inilalabas ng apoy,salita na nakasulat sa lupa,ang tanging salita na inu-ugoy ng hangin,at ang sikretong salita na kailangang hanapin sa isang patak ng tubig o laway pagkatapos sinagutan nila ito buong magdamag,pinag-papala ka kung sino man ang mayroong magandang puso at ito ay "Puro" kung saan makikita nila at malalaman ang buong katotohanan,wala nang iba pang mahalagang bagay at ito ay mawawalan na rin ng kwenta pagkatapos basahin ng buo ang kwento,kailangan nating balikan ang mga ala-ala na 'to bagamat ginagamit ko ito para tapusin ang trabaho na ibinigay at ipinagawa nila sa akin "Mag-ingat ka sa mga maling sulat at igagalaw mo!"Iba yung ngayon,iba rin yung bukas...

Tuesday, January 06, 2009

Photobucket

Thursday, December 25, 2008

AUTHOR 11

Hindi na natin kailangan pang maghintay ng matagal na panahon...Kailangan na nating buksan ang libro na meroong kalahating antas at meroong nakasulat na palatandaan at ito ay isinarado ng mabuti sa pamamagitan ng ating banal na espiritu,sino ba ang mayroong kakayahan para palaganapin ang sumpa sa loob nito?Nawawalan na rin ba kayo ng pag-asa?Purihin mo ang lumikha sayo...Ito ay kusang nabuksan sa pamamagitan ng hindi pangkaraniwang galaw ng mga tala at pag-kilos ng mga sitwasyon,hindi ka na rin makakakita ng ng ganitong klase ng nilalang kaya ilarawan mo ang mga imahe at mga magagandang bagay na ito kahit pa sisirin nila ang ilalim ng lupa at lumipad sa painakamataas na parte ng kalawakan,kaya mo bang buksan ang libro kung saan ang kapalit lang nito ay ang pagsuko mo sa iyong dugo,laman at kaluluwa?Wag mo na ring tignan ang iba pang hushusgahan hindi rin sila papayagang silipin at hawakan ang kapangyarihan nito,ilang araw na rin akong umiiyak,meron lang akong naa alala,kailangan ko bang magluksa buong buhay ko para lang sayo?Meroon ka bang kapangyarihan at ibang klaseng kakayahan?Kaya mo bang ipagtanggol ang mga taong 'to hanggang huli at hindi mo pwedeng kampihan ang kasamaan kailangang maging tuwid ang linya sa kabilang dako at hanggang sa katapusan nito,kung magiging imortal man ang lahi ng tao kailangan tanggapin natin 'to ng buong puso at kailangan tayong maging matalino sa bawat igagalaw natin at maging malakas sa pamamagitan ng banal na ilaw,meroon din itong masamang idudulot at marami itong kapalit,ano ba kasi ang kailangan nating gawin para mabuhay nang mapayapa?Huwag mo sanang hayaang mag-hari ang kasamaan sa puso mo,wala kang ibang kalaban kung hindi ang kasamaan,kaya ba talaga nilang ubusin ang lahi ng mga tao?Tutuldukan ko yon at aking pupuntahan alam mo ikaw lang talaga yung ninanais ko at gusto kong makita,ipinadala na nila ang mga magagandang balita,turuan mo ang mga taong ito dahil hindi pa bukas ang mga isipan nila,binuksan na nila ang libro sa pamagitan ng mga senyales,maraming uri ng libro at bawal 'tong buksan at bigla na lamang kuhain,bilang din ang hari sa mundo pati na rin yung uri ng mga halimaw at kung sino man yung matitira o uupo sa pinaka-mataas na trono nito,patugtugin nyo na ang ating espiritwal at senswal na musika pagkatapos nito bubuhusan natin sila ng awa ng ating pabango sa langit kung saan meroon itong mga dasal at sila ay lilikha ng bagong anyo na nagsasbing karapat-dapat kang magsalita at mabuhay sa mundo na 'to at ipinagpalit mo kami sa pamamagitan na iyong dugo para sa lahi ng mga tao at sa tahimik na nayon na ito at sa bayan na pumapasaloob dito at ginawa mo kaming hari at taga-turo ng salita mo at kami ay maninirahan din nang tahimik sa mundong ito...kailangang matulog muna tayo at hintaying sumikat ang araw para doon natin gawin ang mga ninanais natin "Huwag kang matakot nasa tabi mo lang ako" bakit ba nagkaroon ng init sa loob ng lupa diba ito rin yung dahilan kung bakit nawasak 'to?Nagkaroon ng hindi pagkaka-unawaan,tampuhan at malaking pagtatalo sa tanong lamang na ito!At bigla na lamang dumilim ang araw at ito ay tinakpan ng iyong anino at isang itim na espiritu ang sumapi sa bilog na buwan at ang mga ilaw ay nahulog sa lupa...marami kaming nagbabantay sa inyo,wag kayong maghahanap ng bagay na magpapaligaya sa inyo dahil ito rin yung magpapasama sa inyo,lahat ng elemento sa kalawakan ay nababalot ng misteryosong sagradong ilaw,lahat ng ito ay ibibigay ko nang kusa para lang sayo...Wag mong basta basta na lang isusuko ang buhay mo,pakiusap lang itago mo ang lahat ng sikreto na ito,wala akong lakas ng loob para sabihin ito sayo "Confidential" ang mga sulat na ito,binigay ng torpeng lalake ang sulat nya sa babae pero pinunit ito ng babae at sinunog ang iba,nag-sulat sya sa kanyang diary pero bigla na lamang itong nawala at meroon syang kakaibang nabasa sa journal ng kaibigan nya,meroon syang nakilalang tao at binigyan sya nito ng banal na libro "Andon ako sa apat na sulok ng mundo at hawak ko ang elemento ng lupa"Kailangan silang maging matalino kung paano palalawakin ang pag-aari nila hinawakan nya ang kamay ng babae at bigla na lamang itong naglaho sa dilim,sa kwarto nito binasa ng babae ang sagradong kasulatan AUTOCRACY"Kailangan ng gobyerno ng isang makapangyarihang tao para magpatakbo rito"Sa library nila nagbasa-basa sya at hinanap nya ang mga importanteng dokumento ukol dito,"Pakiusap lang i-respeto natin bawat paniniwala ng mga taong pumapasaloob dito" meroon na lamang biglang dumaan sa bintana,isang anino,isa nga ba itong multo?Bigla na lamang meroong nag-text sa kanya "Huwag na wag mong kakalimutan ang pamagat!"lumabas ito at bigla na lamang nagkaroon ng dekorasyon ang langit sa gitna ng mainit at malalim na gabi...isa lang ang misyon ko at at yun ay hulihin ang mga taong nagtatago sa dilim at wag nyo nang pahabain pa ang inyong pasensya,pumasok na kayo...Isang "Quest" isa itong laro kung saan ang apoy ang nagsisilbing pananda sa bawat galaw ng tao,kaya mo bang manilbihan buong araw sa embahado ng lumang gusali na ito?Ikaw lang naman talaga ang tao dito!Hinding hndi ko sila bibigyan nang permiso para sirain lahat ng mga magagandang panaginip na ito...Kahit pa pumili ka nang tamang oras,meroon kang pagpipilian sa dalawang bagay na ito;para sa publikong opisina kung saan dito ka magbibigay ng awtoridad,sumakay ang isang negosyanteng lalake sa kanyang kotse pero hindi nagtagal binenta nya rin ang bahay nya at ang kotse na ito;tatlo ang nominado sa sekretong libingan,nagkaroon ng banal na marka ang katawan nito at nakawala ang sumpa sa libro,paki-usap lang isauli mo na ito sa nagmamay-ari sumulat sya ng isang "Promisory note" pagkatapos sya ay nagising sa puting nakakasilaw na liwanag,natanggap nya ang certifikasyon na ito "Parang ito na lang yung tanging huli at unang igagalaw ko" Pwede ba silang mapaki-usapan na tapusin at tuldukan ang kwento parang hindi naman ito yung katapusan non...kailangan ng maayos na negosasyon,tapat akong naglilingkod sayo,bakit mo kailangang timbangin at ipunin ang iyong kayamanan para lang ipag-palit ito sa buhay ng ibang tao?Nakakita ako ng isang manipis na piraso na bagay at itinabi ko ito,aayusin ko nang mabuti,ito lang ang tanging tela na tatakip sa lahat ng sugat mo!Kailangan ayusin mo na ang bawat kaso na ihahatol mo sa mga inosenteng mukha ng mga tao na 'to!Punitin mo na ang bawat papel at basahin bawat salita na nakasulat dito,masama bang maging malaya at mabuhay sa kasiyahan? Hindi namin inaasahan ang mga bagay na katulad nito!Hindi ko masalo yung pagpapala mo...

Wednesday, December 17, 2008

AUTHOR 10

"Meron nga ba talagang pagbabago o meron ka lang talagang itinago?"

Meron din tamang paraan ng pagsasalita,kung pwede lang ilihim na lang natin to at manahimik na lang tayo.Nasawa na rin ako sa pakikipagusap at pakikipagtalo sayo,nabasa ko na lahat ng mensahe mo at ano ba talaga ang gusto nilang iparating sakin?Makikipagusap pa ba ko sayo eh parang nag-aaksaya lang ako ng oras dito;inilagay pa nila ang mga laruan na to sa loob ng madilim na kahon at binuksan natin to para mapaglaruan.Ano ba talaga ang mas importante?Kulay,salita o litrato?Ano bang kulang?Maghahanap pa ba tayo nang mas maganda dito?At gagawin ba natin tong mas kahanga hanga,maniniwala ba lahat sa kakayahan mo?Ito yung tunay na nilikha ko at hindi ko lang sya minahal ng lubusan pero nagpakataksil din sya at lumabag sa mga pinaguutos ko,isusumpa ko din sila hanggang sa huli kahit pa hindi matapos yung buhay nila,sa tag-init at sa tag-lamig,dadalhin pa rin nila ang dalamhati na to,wala rin kayong karapatan para manatili sa lugar na to,tawagin mo mang tag-lubog ng araw at maging gabi ang babae,mahuhulog din ang bato sa dagat at mahahati ang bawat oras,hulihin mo man ang ilaw,makakatulog ka din at hindi mo mapapansin ang mga bagay na to,sa kalagitnaan at kalaliman ko na nang gabi sasabihin ng pabulong,tapos na ang araw at nagsarado na ang mga bintana,importante pa rin ang mga oras na to,patay na ang gabi,sana manatili ka pa rin sakin,mahuhulog ba ang mga tagapagmasid sa lupa?Ito ang tamang oras para ipamahagi ang aking mga ani,ginawa ko to lahat para lang sayo at ngayon ay bibihisan kita pagkatapos hugasan sa pamamagitan ng kabutihan,makinig ka lang ng mabuti;Alam mo ba kung saan talaga tayo galing?Yung balat natin pwede sa luwad pero ang mga buto natin ay hindi yon pwede mangyari,ginawa ba nila yon ng sabay?Pareho lang naman ata tayo ng prinsipyo at paniniwala,siguro nagkaisa talaga silang lahat dati,hindi mo ba maisip kung gaano sila kasaya?At kahit dagdagan mo pa ng isang elemento yang pagsusuri mo masusunog pa rin to ng araw,at parang gusto nilang sabihin na ako talaga yung unang gumalaw dati at ako din yung unang dahilan,lahat to ilalabas ko para sayo,ako lang ang lumikha sayo,wala nang iba,sa gitna ng bukal na tubig,kaya mo bang suportahan ang mga pangako na to?O baka naman meron pang ibang magbibigay ng impluwensya satin,dumidepende ka ba dito o sadya lang umikot ang mga pangyayari,diba sobrang dumi na non kung iisipin?Kukuhain mo pa ba yung ugat para lang gumaling yang sakit mo?Sino ba yung nakaimbento at nakaisip na painitin ang tubig para to maging usok?Naglakad ang imbentor at pagkatapos ay niligpit nya na ang mga bagay na to,sya lang naman yung nagpatayo ng building na to pero una pa lang naging luma na to,diba kapag nasaktan ang isang mabuting anghel pwede tong magsumbong sa kanyang diyos,diba pwede ring mamatay ang dilim at lagyan ng ilaw bawat sulok nito?Ako na ang pinaka-malakas at sana ay kaawaan kayong lahat.Hindi ako tatawa at magbibigay ng mabuting pananaw para lang matawag na baliw para sa lahat ng mga salita na to!Seryoso din ako sa mga bagay na to,nawawalan na din ako ng pag-asa,iba na rin yung kulay ng balat ko,pwede pala tayong magsulat ng hindi gumagamit ng pang-kulay o tinta,lahat tapos na pero buhay ka pa rin,wag ka nang magtanong kung bakit basta tatagan mo lang,iba ka talaga kapag natatakot,umiiyak yung kaluluwa mo at parang lumalakas ka pa lalo,para bang ito nayung huling patak ng dugo ko.Isipin mo nang mabuti;isa syang uri ng hayop na sa kweba mo lang makikita, pwede ba tayong mabuhay sa iba pang klaseng nakakasilaw na ilaw?Hindi na ba pwedeng matanggal lahat ng nagpapakilos sa katawan ko?Parang hindi ko na ata kaya lahat ng pinagagawa mo,at pwede pa bang makumpleto lahat ng bagay na nagpapasaya satin?Kapag biglang nilamon ng dilim ang araw,alam mo ba kung nasan ka!?Kung sa salita lang mabubuhay ang tao pwede ba nating lagayan ng pambura yung mga masasama at malungkot na nangyari satin?Wag mo sanang maliitin ang kamay ko dahil dito kaya kong gawin lahat at kahit ano meron pa ba tayong hindi kayang gawin?Nakalimutan mo na ba yung pangako mo sakin?Hindi ako ang pinili mo at hiniling ko na sana malimutan ko na ang mga hinihintay kong araw na yon at sinisigurado kong makakahanap ako nang mas mabuti pa sayogusto kong makasiguro kung magtatagumpay ako sa mga plano ko pero pag-lipas ng mga taon at nang galit ko na itinanim ko sa puso ko tapos na ang maliligayang araw ko,nilagdaan ko na ang kontrata na nagsasabing nabuhay ang klase ng tao na to sa mundo,nagpapasalamat din ako sa makapangyarihang lumikha satin,itinali ko ang sarili ko habang kumakanta sa isang malungkot na puno at ito ay napapaligiran ng mga mababangong bulaklak,sana ay sumang-ayon ka na sa gusto ko,hindi ka nag-iisa,may kasama ka sa dilim,magmimistula tayong bituin o ilaw sa gabi at alam natin na mauulit tong muli,bigyan mo pa ko ng maraming tapat na salita,sinisigurado kong babantayan ka nila at hindi na muli pang sasaktan,lahat 'to sinulat ko at ako ay pumupuri sa kabanalan mo,ako ay napapasa-ilalim sa iyong kapangyarihan,mataas ang tingin ko sayo at hindi na yon pwedeng magbago,ako ay nagtangka na ring agawin ang pag-ibig mo at ang butas na ginawa ko ay natakpan na,ito na yung dulo sa kabilang buhay.Gulat na gulat ako sa mga hindi maipaliwanag na pangyayari,ang anino ko ay gumalaw ng mabilis,hindi ko lang masyadong naintindihan pero hindi nga talaga kita sadyang kilala hindi mo ba napapansin na kayang lagyan ng tao nang hati ang paligid pero magkadugtong pa rin yung lupa,dun talaga sila nag-aaway at ipaglalaban natin ang buhay na to hanggang sa huli,alam mo naman siguro kung ano yung malakas na elemento at kilala mo na siguro kung sino yung meroong malakas na enerhiya,maraming maraming salamat sayo kapag nawala ka,hindi na rin to yung mundo ko,masama rin kapag nanatili ka pa,ibang-iba na talaga yung itsura ng mundo na to,hindi ko sya lubos maisip bakit mo ginawa to?Kung ano yung kulay sa likod,yun din yung kulay sa harap yun din yung kulay sa gitna yun din yung kulay sa baba kung bilog to meron pa bang pag-asa para magbago at gumalaw yung direksyon nito?Alam ko andyan ka lang at yan ang kaya mo,ikaw lang ba ang responsable sa mga bagay na to?Gaano ba talaga sya kaganda?Alam mo na hindi pangit ang apoy,merong ibang buhay ang napapasaloob dito,kilalanin mo ang iba pang sasapi at makikipag-isa sayo,hindi naman porkit nasa sayo na lahat,magaling ka na,alam moyung pakiramdam na "puno na" parang lahat nasabi mo na...napakarami na talaga natin,handa ba talaga silang magpakilala?Nangangako ako at uma-asa na tanggapin ng kusa ang tulong nila.

Kailangan ba nating paniwalaan lahat o ito'y parang isang panaginip lang...

Wednesday, January 02, 2008

AUTHOR 9

Isang multo ng nakaraan...
Tuwing gabi
Ang walang hanggang lalim na ito na tinawag nating kasinungalingan
Ito ay perpekto sa aking mga ugat
Nakikita mo ba ang mga pagbabago?
Hindi ako nagbibiro,hindi kita niloloko
Seryoso ako sa lahat ng mga ginagawa ko
Lahat ng mga makukulay na kayamanan
Tinapon ko 'to lahat
Ako ay nagpapakasaya sa iyong pagalis
Ngayong gabi
Nag-papakasaya ako sa tag-lamig ng iyong pag-ibig
Nakausap ko sya at parang sumpa lahat ng kanyang sinabi
Nakikiusap ako...ipagpatuloy mo...
Bumaba ka na kung saan ka man nakatungtong ngayon,isang nakakayanig na bigkas ng 'sang mortal,kahit halata na,pinilit pa rin nitong itago ang kanyang mukhang inosente sa likod ng kanyang mga ngiti,tipunin mo ang'yong mga kampon dahil ang kalikasan ay sumasang-ayon...sa pagbabago-bago ng panahon,marami nakong napansin sa mundo kaya ngayon ang mga imposible ay pwede pa lang mang-yari at kung dahil dito binigyan mo ng rason ang mga tanghalan,Aming manunuod,bakit hindi nyo subukang manalamin sa tahimik na ilog at subukang kantahin ang inyong malungkot na tugtog?Sa tuktok ng bundok,kahit nasawa na,ako'y magbibilang pa rin kung ano man yung napunta sakin,marahil sa paraang ito,masasabi mo sa iyong sarili,ako ay katangi-tangi,Wala ka nang ibang sandata,madalas itong makikita kapag umuulan,Isang anino kahit na magkaiba ang anyo,tayo ay parepareho...Kahanga-hanga ang iyong pinakikita,Bigyan mo ko ng araw para magpalutang ng dahon,hinihintay mo ang sagot ng mga tala pero ito'y wala,humayo ka;hindi pa to ang araw mo,hindi pa to ang oras mo,ito ay parang walang kamatayang pagsubok.
Nakikiusap ako...ipagpatuloy mo...
Itinuro nya ang salitang gusto nya...di ba kapag nakuha mo yung pinakamagandang bagay,tataas yung tingin nila sayo,binuksan mo yung pintong nakasarado,nakita mo ba yung hinahanap ko?Akala ko nasabi ko na lahat pero pag tumagal at tumakbo na ang panahon parang lumiliit na yung mundo,ito na ang kabuuhan ng kwento,ito na yung resulta ng ginagawa ko,"bumalik lahat ng multo sa musika nang nakaraan..."di ba hindi naman sya nakakatakot kung pakikinggan mo lang sya nang mabuti,nakakalungkot yung tono na kinakanta nila.
Magkaibigan kaming dalawa,binigyan nya ng buhay ang samahan namin,lumakas ang loob ko dahil sa kanya,hinding-hindi ako magkakamali sa sasabihin ko ipinagmamalaki ko sya,isa syang matapng na tao!Hindi lang yon kailangang patunayan sa gawa kasi alam ko lahat ng pagsubok kaya nyang daanan,kaya nyang lagpasanpero nabaliktad lahat yon ng dumating ka!Di ba ganon ka?Kaya naakit sya sayo eh kasi alam ko lahat kaya mong makuha kasi ''Madaldal" ka parang sa negosyo,ano ba kasi yung tinitinda mo?Tignan mo nang mabuti yung mga mata ko,mas nakikita ko yung malayo kesa sa malapit at yung iba hindi kailangang pansinin...Kasi alam ko merong mga nakatago,ito na yung desisyon ko,sana magustuhan mo,wag ka nang magreklamo,mananatili ako dito pero aalis din ako,bahala ka na sa mga susunod na mga mangyayari,Kaya mo pa kaya itong pasukin?Merong apat na gilid ang kwarto,napakadilim,bubukas lang ang susunod na pintuan kapag nalaman mo ang palaisipan sa kabila ng dilim,bilog ang buwan ngayon,malaya kang isumpa lahat ng tao at nagkakahulan lahat ng aso,para kang naligaw sa isang gubat,kagabi na alimpungatan ako meron akong narinig na kukong matulis na kumakalmot sa pader,patay yung ilaw non at hindi ko to inaasahan para kong binangungot,malamig yung pakiramdam ko pero merong apoy sa bawat mata ng mga nakikinig sa misteryo na kanyang kinukwento,matutulog lang ako pero 'pag gising mo,wala na ang lahat...