AUTHOR 1
Sa isang paaralan,dalawang lalaki ang natagpuang patay sa harapan ng kanilang computer,isang babaeng photographer ang nakapuna sa kakaiba nitong pagkamatay,halos nawalan kasi ng karakter ang dalawa at meron pa itong isang ipinagtataka,mag-kaibigan ang dalawa at pareho nitong binuksan ang kanilang PC sa iisang oras,walang foul play at kahit isang fingerprint ng suspek ay wala maliban sa text sa cellphone ng isang lalaki pero nang ito’y buksan nila sa inbox ay walang message pero may number ng nag-send,kinuhaan ng babaeng photographer ang kakila-kilabot na pag-paslang sa dalawa at ito’y nailathala sa iba’t-ibang klase ng dyaryo dahil sa kakaiba talaga ito kaya ngayon ay maraming nakaka-alam.Sa unibersidad na ito ay meroong isang magaaral na babae na nakakita ng isang lumang libro sa kanilang Library,ang paaralan ay medyo matanda na at ang mga nag-aaral rito ay halos puro mayaman o nanggaling sa kilalang angkan,pagkatapos ito basahin ng babaeng magaaral ay bigla nalang itong nawalan ng malay sa kanilang klase kaya sya ay na-hospital at nagpapagaling,tinanong ng mga magulang nito ang kanyang mga kaklase pero ang sagot ng mga ito ay nagbabasa lang naman daw ito ng libro sa History at pagkatapos mula sa kaniyang kinauupuan,sya ay bigla nalang bumagsak kahit na siguradong meron naman itong kinain,sya'y siguradong nag-recess din,pagkatapos gumaling ng teenager na babae,naghukay sya sa kanilang hardin at doon inilibing ang lumang libro pero kahit inilibing na nya ang libro tila hinahanap sya nito sa kaniyang panaginip,meroong mga nagpapakita sa kanya ng hindi nya maunawaan,kinabukasan sa kanilang klase ay meroong bagong magtuturo sa kanila na isang babaeng teacher,naging teacher nila ito sa computer dahil computer programmer ang natapos nitong kurso,tuturuan sila nito para tuluyang mahasa ang kanilang kaalaman sa computer,habang sila ay nag ha hands on,bigla na lamang meroong isang site ang na-flash sa monitor ng babaeng teenager,natakot sya at kinilabutan,tinandaan nya ang site www.author.dim ang hands on nila ay naganap ng alas dose ng tanghali,sinabi nya ito kahit na kanino lalo na sa kanilang teacher na nakatapos ng kursong computer programmer pero hindi sya nito pinaniwalaan,wala naman kasing "dim" sa internet,kinagabihan sa kwarto ng babaeng teenager kinuha nya ang dyaryo kung saan merong dalawang lalaking namatay na nagaaral din sa kanilang paaralan,kinuha nya ang cellphone number ng babaeng photographer na ito,meron kasi syang nararamdaman na ang babaeng photographer na ito ay makakatulong ng malaki sa kanya,tinawagan nya ang number dito at dahil alas-onse na nang gabi,ibinigay nalang ng babaeng photographer ang address nito para sila'y magkaharap at magkausap,kinabukasan ay kanyang pinuntahan ang address at sinabi nya sa photographer ang site,nung una ang babaeng photographer ay hindi naniniwala pero nung sabihin nitong tuwing alas-dose ng gabi o tanghali nabubuksan ang website,ipinagpaliban muna nila ang kanilang tanghalian,tinignan nila ang site,nakita nga nila ito pero iba sa nakita ng babaeng teenager,kailangan mo muna kasing magbigay ng impormasyon o sagutan ang mga sumusunod na tanong bago makita ang site,umuwi na ang babaeng teenager na parang walang silbi ang kanyang pakikipagusap sa babaeng photographer.Limang oras ang lumipas sa bahay ng photographer,bigla na lang nag ring ang kanyang cellphone,akala ng babaeng photographer,ito ang babaeng teenager akala kasi nya niloloko lang sya nito pero nang sagutin nya ito ay nagkamali sya,isang imbestigador pala ang naatasang imbestigahan ang kaso nang dalawang lalaking namatay sa pinakamatandang paaralan pero ang babaeng photographer ay walang alam kahit isang impormasyon sa dalawang lalaking namatay,sinabi nyang kung may gusto itong malaman ay kausapin nito ang babaeng teenager na kanyang nakilala kani kanila lang,siguradong mas marami silang sasa bihin bukod pa sa dalawang lalaking namatay at dahil don,malulutas mo ang kaso at ang misteryo sa pagkamatay na mga ito,habang nagkaklase ang babaeng teenager,meron daw gustong kumausap sa kanya kaya ito'y lumabas at hinarap ang imbestigador,sinabi nya kung ano ang napapanaginipan nya;isang pagsabog at isang lalaking may katandaan na,ito'y nakaupo sa sulok ng isang kwarto pero hindi nya matukoy kung saan ito,binigay ng imbestigador ang kaniyang calling card,tawagan na lang daw sya kapag meron pa syang ibang nalalaman,paguwi ng babaeng teenager,hinukay nya ang libro pero kahit basahin pa nya ito ng paulit-ulit,hindi nya talaga ito maintindihan para kasi itong palaisipan na bawat linya ay may nakatagong misteryo kaya ito'y nagsulat na lang sa kanyang diar, sa kwarto ng babaeng teenager,ito ay nakatulog sa kanyang study table,hindi nito alam na merong parang isang anino na dumaan sa kanyang bintana na parang isang itim na eroplanong papel,pagkagising nya ang libro ay wala na.Sa pintuan naman ng babaeng photographer,meron na lamang biglang kumatok na tila gusto syang takutin,nang buksan nya ito ay wala syang nakita kundi isang libro,kinuha nya ito at binasa sa kanyang kwarto hindi nya alam kung kanino ito,napaisip sya sa kanyang nabasa Sa lupa nanggaling ang aming laman at dugo bagamat kami ay naharap sa pagbabago,ang aming pagkatao ay tuluyang mawawala kung saan kapag ang letra ay mauulit,ito'y walang katapusan,walang araw na ang mga palamuti ay mababaon sa kalagitnaan ng karagatan,kami at ang mga nilalang na nasa lupa ay susumpa sa pagiisa...Sa opisina naman ng imbistigador pagkatapos nito i-type ang kanyang mga naimbistigahan sa kanyang typewriter,pumunta ito sa kanilang sala at nanuod kasama ang kanyang asawa,meron silang balita na napanuod sa kanilang telebisyon,meron kasing isang baliw na namatay sa isang Mental Hospital,ang namatay ay may kasamang isang lalake sa kanyang kwarto,halos silang dalawa lang doon kaya ang pagkaka alam nila,ito'y pinatay ng lalake,ang balitang iyon ay kumalat at nakarating sa babaeng teenager agad nitong tinawagan ang imbestigador,kamuka daw kasi ito ng lalakeng magisang nakatungo at nakaupo sa sulok ng isang kwarto,kaya sya at ang imbistigador ay pinuntahan ang nasabing Hospital,bago nila ito kinausap,may isang Psychiatrist na nag sabing "Huwag nyo paniniwalaan ang lahat ng kanyang sasabihin" pero nung tanungin ng imbestigador kung saan ito nakatira at sino ang kanyang pamilya,ang Psychiatrist ay walang naisagot,pinuntahan na nila ito at kinausap,akala nila mahirap itong kausapin pero bigla nalang itong nagsalita,sinabi nitong ang pagkamatay nang isa pang baliw na lalaki na kasama nya sa kwarto ay hindi sya ang gumawa,ito ang tatlong babaeng kanyang tagahanga tatlompu't dalawang taon na ang nakalipas,yun din ang ika-tatlompu't dalawang taon na sila ay magpakita,isang beses sa isang taon,binalaan nya rin ang dalawa na wag isulat ang kahit isang letra sa mga mangyayari ngayon "Huwag nyo nyo nang dagdagan pa ang kwento."Umuwi na ang dalawa at kinabukasan ay meron silang balitang nabasa sa dyaryo,sunod-sunod ang pagkawala ng mga kuryente sa magkakalapit na lugar at ang dahilan meron daw isang virus na sinira ang halos lahat ng impormasyon ng kumpanya ng kuryente,nawala ang lahat ng electric bill ng mga tao kaya pinatay muna nila ito para ayusin.Sumunod na mga araw,pinuntahan nila uli ang lalaki sa Mental Hospital ngunit iisa lang ang sinabi nito,puntahan daw nila ang pinakamatandang istasyon ng radyo,pinuntahan nila ito at meron silang nakilalang Disc Jockey,matagal na syang nagta trabaho dito pero wala naman syang alam tungkol dito at kahit buksan pa ang utak nito ay wala talaga syang ka alam alam,nang umalis na ang teenager at imbestigador,tinignan nya ang record nang kanilang pag bo broadcast tatlompu't dalawang taon na ang lumilipas at nagulat sya sa kanyang nakitang record at nang kanyang pakinggan ito ay lalo syang kinilabutan,nagulat sya sa kanyang narinig,hindi nya akalaing meron palang ganoong kopya ang kumpanya ng kanilang istasyon ilang taon din ang lumipas,biglaan ang pagpunta nito sa bahay kung saan sila ay magkikita-kita para mapakinggan ang nasarecord at silang tatlo ay talagang kinilabutan,paguwi ng nakilala nilang DJ biglang may nanghingi ng signature nito kahit hindi naman sya sikat, ito ang dahilan na kanyang ikinagulat.Alas dose ng gabi sa bahay ng teacher ng babaeng teenager na nakatapos ng kursong computer programmer,tinignan nito ang site at sinagutan nya kahit anong tanong sa site kahit alam nyang delikado at alam nya ang mangyayari,tinignan pa rin nya ito at sabay na tinawagan pa ang babaeng teenager,sinabi nya rito na malalaman ang istorya kapag sinagutan ang bawat tanong,sa madaling salita,kailangan mong magbigay ng impormasyon tungkol sayong sarili,ipinakalat at itinype nito sa keyboard ang maling paraan para makatakas sa sumpa ng computer,tinanong ng babaeng teenager kung ano ang mga tanong dito,sinabi nitong simple lang,kakaunti at pangkaraniwan;name,address,sex,birth,at age lang ang mga sumusunod na tanong,pinuntahan agad nila tong tatlo,sa wakas malalaman na rin nila ang istorya na inililihim ng lalaking nasa Mental Hospital sa kanila,pinuntahan nila ang babaeng computer programmer pero bago yun nagtaka ang babaeng ito,bigla na lang kasing naging anim ang tanong;name,address,sex,birth,age at death,nagulat sya nang makita nya ang petsa na nakalagay sa Death,yun din kasi ang ang petsa nung araw na iyon,nakita nya ang litrato ng mga namatay na at nakalinya ang mga litrato nito sa site kasama na ang kanyang mukha,hindi nito inakalang sya ay mamamatay alas dose ng gabi o tanghali man,sya ay talagang kinabahan at hindi alam ang gagawin,na-print ang kanyang mukha at kinuha ng computer ang kanyang kaluluwa.Nang dumating ang imbestigador,DJ at ang babaeng teenager,ang babaeng computer programmer ay patay na,nawalan pa ito na mukha.Tatlong araw na silang tatlo ay hindi muna nagkita-kita parang na-shock kasi silang tatlo sa pangyayari,kailangan kasi nilang magpasya kung gusto pa nilang siyasatin ang kwento,hindi nagtagal,nabalitaan na lang nilang ang pinagtatanungan nilang lalaki sa Mental Hospitalay patay na.Alas dose naman ng gabi habang nagpi play ng mga kanta ang nakilala nilang DJ sa studio nito,napagkatuwaan nyang puntahan ang website at nang makita nya ang istorya gaya ng nangyari sa isa ay namatay din ito sa araw ding iyon;Nagulat sya ng bigla nalang pasukin ng tubig ang kanilang sudio,pinilt nyang maging normal ang kanyang paghinga na parang walang nangyari pero sya ay tuluyang namatay,kinuha kaya ng computer ang kanyang kaluluwa gaya ng nangyari sa isa?Kinaumagahan nagtataka sila,para kasing nalunod ito pero kahit isang tubig ay wala sa studio,nang makita ng babaeng teenager at imbestigador ang bangkay nito sa studio,nagkatinginan ito na parang may gustong sabihin sa isa't-isa.Habang nag da drive naman pauwi ang imbestigador kasama na ang pamilya nito galing sa isang pasyalan alas diyes ng gabi,meron syang napansing tao sa bawat poste ng kanilang dinadaanan,nagulat ito at hininto ang sasakyan,dahil hindi nya na ito ma-control,bigla nalang umandar ang sasakyan ng paatras at ito'y nabunggo sa isang poste,ito'y namatay kasama ang kanyang pamilya.Ganoon din ang nangyari sa sa babaeng teenager,hindi na nila sinabi sa isa'i-isa na sinagutan nila ang mga tanong alas dose ng tanghali bago nila makitang patay na ang Disc Jockey dahil alam na nila ang mangyayari,nagtago ang babaeng teenager sa CR,akala kasi nya sya ay ligtas na kapag nakalayo sya sa computer pero nung mapansin nyang merong mukha na nakaukit sa drum ng tubig,natakot sya at pinatay nya ang fuse pero bumukas uli ito,dumoble ang kanyang takot nang ang tatlong babae ay nagpkita sa kanya,sinira nya ang kanyang computer at iyon ang dahilan ng pagkasunog ng kanilang tahanan,pareho silang namatay.Tatlong araw ang lumipas,nalaman din ito nang babaeng photogapher,sya ay kinabahan sa dami ng mga namamatay,yung iba kasi ay kilala nya at yung iba ay hindi.Isang araw,ipinatingin ng babaeng photographer sa isang babaeng bilogist sa microscope nito kung san ba nanggaling ang alikabok sa libro,hinanap nito sa computer kung san ba nanggaling ang mikrobyo nito at isinulat nito sa papel ang mga detalye at kinaumagahan,ito'y namatay din,kakaiba ang pagkamatay nito dahil pagkatapos itong patayin nang hindi kilalang salarin ay ibinalot ito sa puting kulambo at itinago sa ilalim ng kama nito,nagulat ang babaeng photographer ng malaman nya ito,karamihan kasi ng namamatay ay mahilig magusisa at gustong malaman ang kwento pero ngayon halos saradong-sarado na ang mga bibig ng mga ito.Malapit na sanang matapos basahin ng babaeng photographer ang libro nang bigla na lang merong tumutulong dugo mula sa kanyang itaas,ang tatlong babae pala ito na nakabigti,bumaligtad ang isang babae at nagsisi-sigaw ang babaeng photographer.Nalaman na kaya nito ang istorya?Ang babaeng photographer pala na ito ay nawala sa kanyang sarili,isang araw ito'y nasa Mental Hospital na,may isang babaeng bumisita rito at gustong malaman ang kwento,ang website kasi ay tuluyan nang naging virus at kapag may koneksiyon ng kuryente,ang mga multo ay madaling napapasok ang bawat tahanan.Ang tatlong babae kaya ay hindi pumapatay at kung sakaling meron man itong pinatay,ang lalaking nasa Mental Hospital lang ang gusto nilang mawala,Ano kaya ang gusto ng mga ito??Natatandaan pa ng babaeng photographer ang istorya sa libro pero ibinaon na nya ito sa lupa at ito'y namulaklak ng itim na rosas...Sa tingin daw ng babaeng photographer,gusto ng mga multo na magkaroon ng isang dimensyon o "dim" kung saan naroon ang mga nakaka alam ng kwento,dimensyon kung saan nahahati ang mga taong gustong malaman at walang kinalaman sa kwento.Umalis na ang nagtatanong dito at ito pala ay isang babaeng imbestigador na kaibigan ng namatay na imbestiagdor din,sinubukan nitong pakinggan ang record kung saan kinuha nito sa studio ng namatay na Disc Jockey,dahil sa kakaibang narinig ay lalo nyang gustong malaman ang tunay na kwento,pinuntahan nya ang prinsipal sa pinakamatandang paaralan kung saan nagaaral ang babaeng teenager,nagulat sya sa sinabi nito,ang prinsipal kasi na ito ay mas matanda pa sa paaralan kaya sya ay nariyan na bago pa ang nakuhaang record sa studio at ito ay parang malapit na ring pumanaw,sinabi nitong ang record ay narinig nya na pero hindi nya matandaan kung kailan at saan dahil sya ay matanda na at makakalimutin,sinabi rin nitong bago pa ma record ang kakaibang tunog na ito,sa mapa ay meroong pitong bansa ngunit bigla nalang itong nawala sa isang pagsabog na naganap tatlompu't dalawang taon na ang lumipas,simula sa araw daw na iyon ay wala nang gustong magsalita dahil gusto pa nilang mabuhay ng matagal.Isang 'di kilalang lalake pala ang may hawak ng diskette at ipinakalat ang mga impormasyon sa computer at ngayon ay naging virus na,natakot ang babaeng imbestigador,hanggang doon na lang kasi at biglang tumigil ang matanda sa pagsasalita,pumikit ito at nang kanyang gisingin,ito ay pumanaw na,natakot sya at tumakbo palabas.Sa kanyang bahay,kahit alam na nang babaeng imbestigador ang kwento sa kanyang madilim na kwarto ay parang hindi pa rin sya dito nakuntento,iba't-ibang paraan ang kanyang inalam sa internet para hindi nito makuha ang kanyang kaluluwa,yung iba ay hindi nya alam kung kanyang paniniwalaan,ang computer programmer pala ang gumawa nito,sya rin ay namatay,hindi na sya umalis pa kaya sya ay nakatulalang pumanaw sa harap ng kanyang computer,hindi alam ng mga ito na ang tunay na kwento ay tuluyang nagaganap ng kanilang pagkamatay,hindi nila inakala na sila ay kasali din sa kwento at ito'y sinisimulan pa lamang,sa kasalukuyan,wala pa ring nakakaalam ng kabuuang kwento,sa oras kasi na may mag salita tuluyang mamumulaklak ang itim na rosas mula sa nalibing na kwento kaya lahat ay tikom ang bibig,pinuntahan ng babaeng imbestigador ang babaeng photographer sa Mental Hospital ngunit ayaw nitong magsalita,isinulat nya na lang sa cardboard ang kanyang mga tanong at gusto nyang malaman dahil ayaw talaga magsalita ng babaeng photographer,nang matauhan ang photographer nawalan ng hininga ang babaeng imbistigador at ito'y namatay sa kanyang harapan,inisip nitong mabuti kung bakit sya ay hindi namatay samantalang alam nya ang kwento pagkatapos ay isa lang ang pumasok sa kanyang isipan,kung hindi dahil hindi nya nakita ang istorya sa computer,hindi sya nagsulat ng kahit isang letra.......


0 Comments:
Post a Comment
<< Home