AUTHOR 5
Huwag mo sabihin sakin na mahirap ipahayag ang iyong sarili sa iba pang paraan kung hindi ako nagkakamali mas marami pang baliw ang gising ngayong gabi,ngayon sa problema ng lahat ng tao,wala na ba talagang solusyon?Yung iba ay hindi na kailangang mawala at sa tingin mo ba gusto nila yon?Umaasa ako na hindi mo matatagpuan ang iyong kamaganak bilang isa sa mga namatay,mabuti ba para ulitin lahat ng salita at mga sulat na to?Magisa akong nagsalita at pilit kong itinago ang aking sarili sa pamamagitan ng palayaw at mga salita.
...Dalawang lalaki ang nakalaya mula sa presinto,sila ay nakulong mula noong mga bata pa sila,sila ay naghiwalay din at tinahak nila ang kanilang sariling destinasyon,hindi na nila inisip ang mga kahinaan nila dahil sa kahihiyan,bumulong ka na lang at sinabing gusto ko to,nang sumakay ng taxi at pagkatapos naglakad-lakad ang isa,huminto ito sa isang lugar kung saan merong Billboard "Basta maging totoo ka lang" Matalik na magkaibigan ang dalawa at tinatawagan nila ang isa't-isa,merong magandang trabaho ang dalawa pero ang bahay na tinitirhan nila ay magkalayo at meron nga bang sapat na dahilan para mangliit ka sa iyong sarili?Pinagkasya nating ang katawan natin sa maliit na litrato,nagtawagan ang dalawa at nagkwentuhan tungkol sa mga nagyari sa kanila "Tinastas ko ang sinulid ng kobrekama at pinagalaw ko ang mga unan,ang kwarto ay naging sagana sa hangin"Pagkatapos binaba nito ang telepono at ito ay naka-hang,umalis na lamang ito bigla,nang makalabas na ito sa pintuan ,napunit ang sleeves ng Jacket nito,nagsalita ang kausap nito at ipinahabol ang kwento "Noong bata pa ko sabi sakin ng nanay ko na wag ko silang gagayahin" akala nito may kausap pa sya sabay nag-busy na ang linya,tumingin ito sa lalagyanan ng mga umog na damit at meron syang nakita na nakaupo dito,isang babae,kaya ba nating patunayan ang kasarian natin sa pamamagitan ng ating buhok?Binigyan sya nito ng hindi pangkaraniwang papel"Ikaw yung magsusulat,ako yung babasahin,patayin mo ko sa pamamagitan ng Ballpen."
Dalawang grupo ng insekto ang naglaro at nagliparan sa ere,nagkasakit ang isang kaibigan nito at hinanap nila ang halaman,inutusan nila ang dalawang kaibigan nilang babae,hindi nila ito madaling nahanap sa gubat bago nila ito nakuha,namatay ang isa at natuluan ng dugo ang sinabing halamang gamot.Nang makauwi ang isang babae,nagkita sila sa isang Fast Food at nag-usap-usap sila kasama ang dalawang lalake na galing sa presinto at ngayon sila ay malaya na...kinuwento nya ito sa dalawa at pagkatapos pumunta sila sa bahay ng babaeng may sakit at ngayon ay magaling na..."Sino ba ang dapat mong mahalin sa lugar na 'to?"Ang araw kasama ka,sinangla ko ang ating singsing pakatapos ng ating kasal,di ba masaya naman tayo?Kapag merong ingay,nakikinig ba sila?at kapag ang ilaw ay tumutok na sayo,heto ka ngayon pero 'wag kang mahuhulog,pumunta ka at maghanap...Wala kang kawala,hahanapin ka nito habang buhay,kunwari nawala na lahat ng papel sa mundo,saan mo isusulat lahat ng yan?Kalmado ang pakiramdam ko sa kamay na to habang sa bunganga ay hindi,ayokong tanggapin ang katotohanan...
Nagpasahan at nagpalitan tapos nawala ako,hindi pa rin nagbabago ang mga tao,wala silang pinagkaiba,nakakalungkot,hindi mo nakita yung tunay na ako,binaba na nila pareho ang telepono,naglakad-lakad ang isang babae sa Mall at kinausap ang kanyang sarili "Sa wakas,nakakuha na rin sila ng kalayaan para sayangin ang oras nila,meron rin naman akong sariling panglasa" Nagdial ito sa kanyang cellphone at tinawagan ang matalik na kaibigan ng asawa nya..."Hindi tutulo yung luha ko papatayin ko agad yung ilaw pero wala rin namang mangyayari pagkatapos ng lahat ng to kusang mamamatay ang apoy"pinahid ko ang langis sa salamin at nag-umpisa ng tumakbo ang aking mga panaginip...

Gusto mo lang maglaro,takot kang matawag na talunan,mabuti to para depensahan ang iyong sarili pero ang pinaka importanteng bagay ay natuto ka at hindi ko na sila iniintindi,saan ako pupunta kapag gusto talaga nila patayin yung tunay na ako,anong klasing pamumuhay?Natatandaan mo pa ba kung sino at saan nagsimula lahat ng to?Kung tunay man yung strorya sa libro,hindi na nila kailangan iparamdam sa atin kung gaano kasakit,kung ikaw yung pinakamagaling,akala ko mabuti to at kahangahanga,sino ba yung gustong umangkin sa mundo na 'to?at kung papipiliin mo ako kung ano yung pipiliin ko isasama ko yung utak ko... kung tatakutin mo ko at gagawin mo kong ganito parang tinakot mo na rin yung sarili mo at kukulayan natin hindi lang ang langit pati na rin ang dagat kapag nagtago ako sa pinaka ilalim,makukuha mo pa kaya to ng tama?
-isinulat ng hindi kilalang manunulat
Nagpakita dito ang hindi kilalang lalake na nagutos at sinabi nitong "Ipasa mo ang bawat salita" pagkatapos nyang magbasa tinanong nya ang kanyang katabi "Ano bang makukuha mo dyan?" sya ay nag text at ipinadala nya ang bawat sulat sa kanyang mga kaibigan at ang mga ito ay nakaranas ng mga imahinasyon at tila sila ay isa-isang binangungot...

0 Comments:
Post a Comment
<< Home