My Photo
Name:
Location: Manila (Business toh!), Canada Goose, Philippines

its cool to be a strange, and different...

Tuesday, January 09, 2007

AUTHOR 7

Sa wakas,dineklara na nila na ang talunan ay pwede ring manalo,huwag mo nang alamin,itago na lang natin ang krimen,tignan mo lang...katamtaman ang laki,dumaan sa isang Facial distortion,hinubog ng mga beterinaryo,hindi sila tao,alam yon ng mga matatanda natin pati na rin yung mga gagamot satin pagkatapos binigyan sya nito ng anodyne...parang ito yung nangyari dito at binukod bukod mo,magkakasunod,ito yung naugnay na pangyayari "lumutang ang buhangin at gumawa ito ng lambak sa pamamagitan ng isang hindi pangkaraniwang malikhaing kamay."
Bakit hindi mo palaganapin yung bangungot,alam ko rin na takot ka sakin kasi alam ko yung kahinaan mo kaya kung ikaw talaga yung kaaway ko bakit hindi mo subukang ibigay lahat tungkol sayo,pupunta ako sa inyo at tatapusin ko,wag ka lang sanang maging masaya...
para kang isang kabayo na tinali at sinundan pa ito ng karwahe na umaandar sa damuhan,sa sobrang bilis,hindi ka nakasabay at ikaw ay nalaglag parang ganon din yung sa modernong sasakyan 'pag nahilo ka babangga ka.
Merong limang magkakaibigan at ang isa ay manghuhula at alam nito ang kanilang bawat destinasyon,binalot nito ang kanyang mga gamit sa kanyang bag at tumingin ito sa langit,madilim ang ulap,umuulan at handa na itong umalis dahil ang utak nito ay nababaliw at naloloko,pinatugtog nya ang uri ng kanta na to,nagdesisyon syang umalis,meron bang mali?Nagkita ang babaeng "Most Wanted" at ang bunsong apo ng presidente sinumpa sya nito na kung ano man to para sayo sasamahan kita,ang kinabukasan ay nasa ating kamay at hindi pwedeng umangal,ang pintuan ay sarado na,na may kasamang susi na nahulog sa lupa,wag ka nang bumalik,sasaktan ka lang nito kapag nakita ko ulit yung mukha mo,babasagin mo uli yung salamin at mababaliw na naman tayo...dinanas natin yung maraming bagay,hinipuan tayo ng kadiliman pero naging matatag ang pag-ibig,nahahawakan pa natin ang isa't-isa,nakakadama pa tayo,ang ating mga buto at balat,parang isang masayang pamilya,sabay sabay silang gumagalaw at kumakain,ito yung dulo ng kutsilyo,sa kabilang dako ng buhay,narinig mo na ba?Alam mo na ba?Tungkol ito sa talim ng pag-ibig,ngayon nasa ika-tatlong bahagi na tayo,sa tanghalan ng buhay na to,umaasa ako na sana kayanin natin,himala na lang ang kailangan...
Ako ang nagsulat at binahagi ang bawat letra sa loob ng pangalan para sa tindahan,sana gayahin nila to,may isang batang estudyante ang bumili dito at binasa nya ang mga nakatinda at pumili sya ng isa pagkatapos sumakay ito sa kanyang bisikleta at may nakitang isang lumang building ang batang ito ay mahilig mamasyal,merong nakalagay na sulat 'ang bakanteng lupa ay pag-aari ng gobyerno',meron din itong dalang cellular,tinext nya ang kaibigan nya "parang merong bagong dating"Pinasok nya ang lumang building at nang pasukin nya ito ay namangha sya,luma ang pintura sa labas bagama't bago ang pintura sa loob ng kwarto na pinasukan nya pagkatapos binuksan nya na ang binili nyang Junk Foods at nanatili ito ng dalwang oras sa loob pagkatapos sumilip ito sa bintana at pagkatapos umuwi na rin ito..kinagabihan habang natutulog ito parang meron syang naramdaman,para bang meron syang katabi kaya uminom ito ng tubig at hindi nya na rin ito masyadong pinansin,nakatulog din ito ng mahimbing,kinabukasan meron syang napulot na balita sa pamamagitan ng telegraph,binisita nya rin ang kanyang matalik na kaibigan at pinahiram sya nito ng isang magazine,mabilis ang takbo ng utak nito ganon din ang sa pagmamaneho kaya ito ay na-aksidente at na-ospital,binisita sya ng mga kamag-anak nya ganon din ang kanyang matalik na kaibigan 'Alam mo ba yung pakiramdam kapag ikaw na yung magpaparami ng letra?' kailangan palawakin mo yung isipan mo,ito yung kakaibang technique na ginamit nya,hindi natin napansin na meron din palang nakasulat,yun din mismo yung mangyayari sa lugar na yon at para bang ipinagmamalaki ng mga bagay bagay yung nakasulat na pangalan sa kanila.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Home